Obispo sa San Carlos City, Pangasinan nagpositibo sa COVID-19
Positibo sa COVID-19 si San Carlos City Bishop Gerardo Alminaza.
Sa pahayag na ibinahagi ng Diocesan Social Communications Office – San Carlos, sinabi ni Alminaza na kailangan niyang sumailalim sa isolation at treatment.
Tiniyak ng obispo na siya ay nakatatanggap ng atensyong medikal.
Pansamantala, si Msgr. Erwin Magnanao, ang vicar general ng Diocese of San Carlos ang gaganap sa tungkulin ni Alminaza.
Hiniling naman ni Alminaza ang dasal ng publiko hindi lang para sa kaniya kundi sa lahat ng COVID-19 patients. (Dona Dominguez-Cargullo)