P58M halaga ng shabu nakumpiska sa Cavite; 5 suspek ang naaresto

P58M halaga ng shabu nakumpiska sa Cavite; 5 suspek ang naaresto

Aabot sa mahigit P58 milyon halaga ng shabu ang nakumpiska sa ikinasang buy-bust operation sa Imus, Cavite.

Ang operasyon ay ikinasa ng pinagsanib-pwersa ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) Drug Enforcement Unit, Philippine Drug Enforcement Agency, Cavite Provincial Police Office at Imus Municipal Police Station.

Ayon kay MPD chief Police Brigadier General Leo Francisco limang suspek ang naaresto sa operasyon dahil sa salang paglabag sa Dangerous Drugs Act o Republic Act No. 9165.

Kinilala ang mga suspek na sina:

– Tamano Daud alyas Tam, 41 anyos
– Ismael Daud alyas Intsik, 24 anyos
– Norma Maguid alyas Sandra, 36 anyos
– Bainor Maguid alyas Bai, 23 anyos
– Omar Redia alyas Omar, 42 anyos

Ayon kay Francisco ipaghaharap din ng kasong illegal possession of firearms and ammunition ang mga naarestong suspek.

Ang mga suspek ay miyembro ng “Tamano Drug Group” na nagsu-suplay ng ilegal na droga sa Metro Manila, Quezon City at Rizal.

Maliban sa mahigit walong kilo ng hinihinalang shabu, nakumpiska din sa kanila ang mga baril at bala. (Dona Dominguez-Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *