Pamahalaan lumagda ng kasunduan para sa 40 milyong doses ng COVID-19 vaccine ng Pfizer

Pamahalaan lumagda ng kasunduan para sa 40 milyong doses ng COVID-19 vaccine ng Pfizer

Inanunsyo ni National Task Force Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., na nilagdaan na ng pamahalaan ng Pilipinas ang supply agreement para sa pagbili ng 40 million doses ng Pfizer-BioNTech vaccines.

Ayon kay Galvez, ito na ang pinakamalaking bilang ng bakuna na nabili ng Pilipinas sa taong ito.

Ang nasabing mga bakuna ay uumpisahang ipadala sa bansa sa Agosto.

Dahil sa pinakabagong supply agreement,, 113 million doses ng bakuna ang sigurado nang makukuha ng bansa.

Kabilang dito ang 26 million doses mula Sinovac, 10 million doses mula Sputnik V, 20 million doses mula Moderna, 17 million doses mula Astrazeneca, at 40 million doses mula Pfizer.

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *