Medical experts mula Israel dumating sa bansa
Dumating sa Pilipinas ang tatlong medical experts mula Israel.
Sinalubong ng mga opisyal mula sa National Task Force Against COVID-19 at Department of Health (DOH) ang pagdating sa bansa nina Israeli medical experts Dr. Avraham Ben-Zaken, Dr. Adam Segal, agt Dr. Dafna Segol.
Ang mga eksperto mula Isral ay mag-oobserba sa isinasagawang deployment at vaccination processes sa Pilipinas.
Magbibigay din sila ng mga rekomendasyon sa kung paanong mapagbubuti pa ang stratehiya ng bansa sa pagbabakuna. (Dona Dominguez-Cargullo)