Pinakamataas na single-day cases ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas

Pinakamataas na single-day cases ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas

Nakapagtala ng pinakamataas na recorded cases ng COVID-19 sa Eastern Visayas simula nang magkaroon ng pandemya sa bansa noong 2020.

Sa inilabas na datos ng Eastern Visayas – Center for Health and Development araw ng Linggo, June 20, umabot sa 712 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Dahil dito, sumampa na sa 27,125 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Sa nasabing bilang, 3,151 ang active cases at 23,609 naman ang gumaling.

365 naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw matapos makapagtala ng 2 dagdag na nasawi.

Ang 712 na bagong kaso na nadagdag at mula sa sumusunod na mga lalawigan at lungsod:

Leyte (222)
Southern Leyte (128)
Tacloban City (106)
Biliran (73)
Northern Samar (69)
Samar (63)
Eastern Samar (33)
Ormoc City (18)

Ayon sa datos, nasa antas na “high” ang average daily attack rate sa Biliran (9.56 percent, Leyte (12.55 percent), at Southern Leyte (14.43 percent). (Dona Dominguez-Cargullo)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *