Fare matrix para sa LRT-2 Extension Stations inilabas ng LRTA
Inilabas ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang fare matrix para sa LRT-2 Extension Stations.
Ayon sa LRTA, ang pamasahe mula Recto terminal station hanggang Antipolo terminal station at pabalik ay P30 para sa Single Journey Tickets at P28 para sa Stored Value Cards.
Ang pamasahe naman mula Recto terminal station hanggang Marikina station at pabalik ay P30 para sa Single Journey Tickets at P26 kung Stored Value Card ang gamit.
Inilabas na din ng LRTA ang kopya ng full fare matrix para sa buong linya ng LRT-2.
Sa June 23 target mabuksan ang dagdag na dalawang istasyon ng linya na Marikina at Antipolo stations. Dona Dominguez-Cargullo