IATF aapela kay Pangulong Duterte; hihilinging ituloy ang paggamit ng face shields sa enclosed areas

IATF aapela kay Pangulong Duterte; hihilinging ituloy ang paggamit ng face shields sa enclosed areas

Iaapela ng Inter Agency Task Force (IATF) ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na sa ospital na lamang dapat ginagamit ang face shield.

Ayon kay Department of Health spokesperson, Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa pulong ng IATF Huwebes (June 17) ng gabi, napagpasyahan na iapela ang usapin sa pangulo.

Sa nasabing pulong ayon kay Vergeire ay inilahad ang mga ebidensya hinggil sa naitutulong at pangangailangan pa rin ng paggamit ng face shield.

Partikular na iaapela ani Vergeire na ipagamit pa din ang face shield sa mga indoors o enclosed areas.

Habang ang paggamit ng face shields sa outdoor ay gagawin na lamang aniyang boluntaryo.

Sa ilalim ng joint memoradum circular na nauna nang naipalabas, ang enclosed areas na tinukoy ay kinabibilangan ng worship areas, paaralan, workplaces, malls, establisyimento gaya ng restaurants at iba pa. (Dona Dominguez-Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *