Paalala ng DOH sa pagdiriwang ng Father’s Day: Unahin ang kaligtasan ng pamilya
May paalala ang Department of Health (DOH) sa publiko kaugnay sa nalalapit na pagdiriwang ng Father’s Day.
Ayon kay DOH Spokesperson, Usec. Maria Rosario Vergeire, sa mga magdiriwang ng Father’s Day mahalagang unahin ang kaligtasan ng pamilya.
Sa ilalim ng mga pinaiiral na quarantine classifications ay ipinagbabawal pa rin ang mass gathering o pagtitipon-tipon ng marami.
Una na ring sinabi ng DOH na ang mga pagtitipon at pagsasalu-salo sa pagkain ay dapat iwasan upang hindi mauwi sa hawaan.
Sa June 20, araw ng Linggo ay gugunitain ang Father’s Day. (Dona Dominguez-Cargullo)