Pabago-bagong polisiya ng gobyerno sa pagsusuot ng face shield binanatan ni dating VP Binay

Pabago-bagong polisiya ng gobyerno sa pagsusuot ng face shield binanatan ni dating VP Binay

Binanatan ni dating Vice President Jejomar Binay ang aniya ay pabago-bagong polisiya ng pamahalaan hinggil sa pagpapagamit ng face shield.

Ayon kay Binay, sa loob lamang ng isang araw, tatlong beses nabago ang polisiya sa face shield.

Tanong ni Binay, “wala bang group chat” ang mga opisyal ng gobyerno kaya hindi magkakatugma ang kanilang mga pahayag.

Sinabi ni Binay na hindi naman libre ang face shield kaya ang perang dapat sana ay naipambibili ng pagkain ng mga mahihirap ay ginagastos pa sa face shield.

Ang isyu pa ayon sa dating bise presidente, gumagastos ang mga tao sa isang bagay na hindi naman napatunayang makapagbibigay ng 100 porsyento ng proteksyon.

Apela ni Binay, pagtuunan dapat ng pansin ang contact tracing, testing at pagbabakuna. / Dona Dominguez-Cargullo

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *