Pahayag ng pangulo tungkol sa face shield, maituturing na polisiya ayon sa Malakanyang
Maituturing nang polisiya ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na sa mga ospital na lamang dapat magsuot ng face shields.
Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque na sinabi ni Pangulong Duterte na sa ospital na lang dapat ginagamit ang face shield.
At kapag nagpasya aniya ang pangulo, maituturing na itong polisiya.
Pero ayon kay Roque, maari pang umapela ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa pasyang ito ng pangulo.
Una dito kinumpirma ni Senator Tito Sotto III na noong Miyerkules ng gabi ay inihayag ng pangulo ang tungkol sa hindi na pangangailangan ng face shield.
Dahil dito umapela si Sotto sa Department of Health (DOH) na ipahinto na ang pagpapagamit ng face shield sa publiko.
Samantala naniniwala si Roque na kakayanin ng bansa na makamit ang “mask less Christmas”.
Ito ay kung magpapatuloy aniya ang pagdating sa bansa ng suplay ng mga bakuna laban sa COVID-19. (Dona Dominguez-Cargullo)