Sec. Briones iniutos ang agad na pamamahagi ng cash allowance para sa mga guro
Ipinag-utos ni Department of Education (DepEd) Sec. Leonor Magtolis Briones ang maagang pamamahagi ng cash allowance para sa mga guro sa mga pampublikong paaralan.
Batay sa utos ni Briones, bago pa man magbukas ang susunod na taong panuruan 2021-2022 ay kailangang mai-release na ang cash allowance.
Ang cash allowance para sa lahat ng teaching workforce ay P5,000.
Inatasan ni Briones ang mga Regional Offices ng DepEd at School District Offices na makipag-ugnayan sa DBM office na nakakasakop sa kanilang lugar para sa alokasyon ng pondo upang maipamahagi na ang benepisyo.
Nakatakdang maglabas ng abiso ang kagawaran upang magabayan ang mga implementing units sa mabilis na pagpoproseso ng cash allowance. (Dona Dominguez-Cargullo)