Resort sa Batangas ipinasara dahil sa samu’t saring paglabag
Ipinasara ng pamahalaang bayan ng San Juan sa Batangas ang isang resort sa Barangay Laiya Aplaya.
Sa isinagawa kasing inspeksyon, natuklasan ang samu’t saring paglabag ng resort.
Kabilang dito ang paglabag sa Ecological Fee, expired ang Certificate of Authority to Operate, 28 sa 40 guests nito ang walang Health Certificate, walang suot na face mask ang mga empleyado, tumatanggap ng guests na 15 anyos pababa, at ang mga guest ay walang referral slip mula sa Municipal Tourism Office.
Paalala ng lokal na pamahalaan sa lahat ng mga resort na sumunod sa ipinatutupad na IATF guidelines sa ilalim ng umiiral na General Community Quarantine (GCQ). (Dona Dominguez-Cargullo)