50 percent ng target population sa San Juan nabakunahan na kontra COVID-19
Umabot na sa 42,561 na residente ng San Juan City ang nabakunahan na kontra COVID-19.
Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, katumbas ito ng 50 percent na ng target population ng lungsod.
Sinabi ni Zamora na 85,400 na adult population sa San Juan ang target na mabakunahan kontra COVID-19.
Kinabibilangan ito ng A1 (healthcare workers), A2 (senior citizens), A3 (persons with comorbidity), at A4 (economic front-liners, uniformed personnel and government workforce).
Kung magpapatuloy aniya ang pagdating ng suplay ng bakuna sa lungsod, ay mas magiging mabilis din ang kanilang vaccination drive.
Kaya aniyang makapagbakuna ng 2,500 hanggang 3,000 na katao kada araw.
Kung magpapatuloy aniya ito, sa katapusan ng Agosto ay makakamit na ng San Juan ang target na 70 percent herd immunity. (Dona Dominguez-Cargullo)