Sen. Gordon hiniling sa IATF na payagan na ang deployment ng mga nurse sa Qatar
Hiniling ni Senator Richard Gordon sa Inter Agency Task Force na payagan na ang deployment ng mga nurse sa Qatar.
Ayon kay Gordon, may mga Filipino nurse na mayroong existing visa at confirmed employment contracts sa Qatar pero hindi makaalis dahil sa pinaiiral na suspensyon ng pamahalaan sa pagde-deploy ng mga manggagawa sa ibang mga bansa.
Sinabi ni Gordon na nangangailangan ng mga nurse sa Qatar bilang paghahanda sa malalaking events doon gaya na lamang ng FIFA World Cup 2022.
Apela ni Gordon sa IATF, rebisahin ang probisyon sa ilalim ng POEA Advisory no. 71 na nagsusupinde sa pagpapaalis ng mga bagong nurse, nursing aides at nursing assistants.
“Right now, we have no jobs for our people because of the pandemic. They have found solutions for themselves and worked hard to get qualified to go. Let’s help them get there so that they can work, earn a living, support their families, and contribute to the economy,” ayon pa sa senador. (Dona Dominguez-Cargullo)