Apat arestado ng NBI dahil sa ilegal na pagbebenta ng Remdesivir

Apat arestado ng NBI dahil sa ilegal na pagbebenta ng Remdesivir

Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na katao sa dalawang magkahiwalay na entrapment operations sa Quezon City.

Ayon kay NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric B. Distor, ang mga nadakip ay kinilalang sina MARIA CHRISTINA MANAIG, CHRISTOPHER BOYDON, PHILIP BALES, at BERNARD TOMMY BUNYI.

Sinabi ni Distor na ikinasa ang operasyon makaraang makatanggap ng ulat ang NBI-STF tungkol sa talamak na bentahan online ng Remdesiver.

Ayo sa Food and Drug Administration (FDA), magagamit lamang ang nasabing anti-viral drug kung mayroong Compassionate Special Permit (CSP).

Ibinibigay lamang din ang CSP sa mga licensed doctors at ospital.

Nagawa ng NBI na makipagtransaksyon sa dalawang seller at nagpanggap na bibili ng vial na ang halaga ay P4,500 at P5,000.

Sa ikinasang operasyon ay naaresto sina Manaig, Boydon, at Bale sa West avenue Quezon City habang si Bunyi ay nadakip sa Timog.

Naisailalim na sa Inquest proceedings ang apat sa salang paglabag sa R.A. 9711 o “Food Administration Act of 2009” at R.A. 5921 o “Philippine Pharmacy Act”. (Dona Dominguez-Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *