Serbisyo ng kumpanyang Zuellig Pharma Corporation sa eZConsult ng QC planong i-terminate
Pinag-aaralan ng Quezon City government na i-terminate ang kontrata nito sa kumpanyang Zuellig Pharma Corporation kasunod ng serye ng technical difficulties sa paggamit ng eZConsult service.
Dahil sa mga isyu sa teknikalidad, maraming residente ang preventing residents from signing up for COVID-19 vaccination.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, kinuha ng LGU ang serbisyo ng eZConsult para mapadali ang proseso ng pagpapatala ng mga residente.
Nangako aniya ng maayos na serbisyo ang kumpanya subalit paulit-ulit na itong pumapalya.
Ayo kay Belmonte nagbigay na sila ng ultimatum sa Zuellig para isaayos nito ang kanilang sistema.
Simula noong June 10, nakararanas ng problema sa serbisyo ng eZConsult.
Maliban sa pag-terminate ng kontrata, maari ding magsampa ng reklamo ang QC LGU sa kumpanya. (Dona Dominguez-Cargullo)