Pamitinan Protected Landscape sa Montalban, Rizal muling bubuksan sa publiko

Pamitinan Protected Landscape  sa Montalban, Rizal muling bubuksan sa publiko

Bubuksan na sa Eco-Tourism activities ang Pamitinan Protected Landscape sa Montalban, Rizal.

Simula June 16, araw ng Miyerkules, papayagan na ang mountain biking, hiking, running, boating at iba pang leisure activities ngunit sa limitado lamang na kapasidad na 30%.

Paalala ng Montalban Tourism, patuloy na ipatutupad ang minimum public health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask/face shield, safe distancing, madalas na paghuhugas ng kamay, at ang mga may edad na 18 hanggang 65 lamang ang tatanggapin.

Papayagan naman ang mga Senior Citizens na may kumpleto ng COVID – 19 vaccine basta’t ipakita lamang ang COVID-19 vaccination card.

Para sa mga aakyat o mag-hike sa Pamitinan, Binicayan at Hapunang Banoy, kailangang mamgparehistro sa DENR.

Ayon sa DENR, kung Holidays at weekends ang akyat bundok ay kailangang online ang registration.

Papayagan lamang ang walk in kapag hindi pa naabot ang 105-person capacity (30% capacity) ng bawat bundok.

Kung weekdays naman, pinapayagan ang walk-in guests.

Sa mga aakyat naman sa Paruwagan, Lagyo at Susong Dalaga, sa Tourism o Barangay ang registration na makikita pagpasok ng Sitio Sapa.

Narito ang mga kailangang bayaran para sa mga aktibidad:

– Hiking fee – P50. 00
– Eco- Tourism Fee – P20.00
– Parking fee – P30.00 to P150. 00 (depende sa sasakyan)
– Guide Fee – minimum of P500.00
(mandatory po ang tourguide sa pag-akyat ng bundok)

Libre ang taga-Montalban sa Eco-Tourism Fee, na isang ordinansa ng Lokal na Pamahalaan, kailangan lamang na mag pakita ng ID.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *