Campaign App ng 1Sambayan Coalition pinasok ng hackers
Pinasok ng hackers ang campaign app ng 1Sambayan Coalition.
Ayon kay Atty. Howard Calleja, isa sa co-convenors ng koalisyon, nangyari ang data breach ng 1Sama Ako na application para sa kanilang supporters at volunteers noong Sabado.
Aniya, naniniwala silang ang pag-atake ay gawa ng mga kalaban nila sa politika na nais manatili sa kapangyarihan.
Sinabi pa ni Calleja na mayroon naman silang mga safeguards subalit malinaw na propesyunal ang hacker.
Idinagdag pa nito na isinagawa ang cyber-attack para tangkaing guluhin ang kanilang selection process.
Noong Sabado ay isinapubliko ng opposition coalition ang anim na pangalan ng kanilang potential candidates para sa presidente at bise presidente.
Kinabibilangan ito nina Vice President Leni Robredo, Senador Grace Poe, dating Senador Antonio Trillanes IV, Cibac Party-list Rep. Eddie Villanueva, Batangas Rep. Vilma Santos, at Human Rights Lawyer Chel Diokno. (Infinite Radio Calbayog)