Magkakasunod na aftershocks naitala sa Bukidnon matapos tumama ang magnitude 5.7 na lindol kagabi
Simula kaninang madaling araw nakapagtala ng magkakasunod na aftershocks sa lalawigan ng Bukidnon.
Ito ay kasunod ng magnitude 5.7 na pagyanig na tumama sa bayan ng Kadingilan kagabi.
Ang mga naitatalang aftershocks ay mayroong magnitude na 3.8, 3.5, at 3.4.
Alas 10:23 ng gabi kagabi nang tumama ang magnitude 5.7 na lindol sa Kadingilan, Bukidnon.
Nasundan pa ito ng magnitude 5.2 alas 10:38 ng gabi at magnitude 4.7 na lindol alas 10:59 ng gabi. (Dona Dominguez-Cargullo)