Insurance sa mga opisyal ng barangay aprubado na ni Manila Mayor Isko Moreno

Insurance sa mga opisyal ng barangay aprubado na ni Manila Mayor Isko Moreno

Sasaklawin na ng insurance ang mga opisyal ng barangay sa lungsod ng Maynila.

Ito ay makaraang aprubahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang P7.5-M na pondo para sa accident insurance ng mga opisyal ng barangay gaya ng mga sumusunod:

— Punong Barangay
— Kasapi ng Sangguniang Barangay
— Pinuno ng Sangguniang Kabataan
— Barangay Secretary
— Barangay Treasurer
— Mga Miyembro ng Lupong Tagapamayapa
— Mga kasapi ng Barangay Tanod Brigade

Araw ng Lunes (June 14) ay nilagdaan na ni Moreno ang Letter of Confirmation kàsama sina Manila City Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan, Department of Interior and Local Government-Manila City Director Atty. Rolynne Javier, CESO V, at mga opisyal ng Government Service Insurance System.

Batay sa panukala ng GSIS, bawat barangay official ay may accidental death compensation na nagkakahalaga ng P150,000, medical reimbursement na P15,000 at burial assistance na P10,000.

Nilinaw ng Alkalde na ang insurance provision ay alinsunod sa tinatakda ng Resolution No. 1, 2021, ng Manila Peace and Order Council (MPOC) at ayon na rin umiiral na 2020 – 2022 Manila Peace and Order and Public Safety (POPS) Plan.

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *