300 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas
Nakapagtala ng dagdag na 300 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Sa inilabas na datos ng Eastern Visayas – Center for Health and Development araw ng Lunes, June 14, sumampa na sa 24,485 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 2,491 ang active cases at 21,647 ang gumaling naman.
347 naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw makaraang makapagtala ng dagdag na 3 pang nasawi.
Ang 300 na bagong kaso na nadagdag at mula sa sumusunod na mga lalawigan at lungsod:
Leyte (131)
Samar (59)
Tacloban City (39)
Southern Leyte (27)
Eastern Samar (23)
Northern Samar (15)
Ormoc City (6) / (Dona Dominguez-Cargullo)