Mobile Registration App ilulunsad ng Comelec

Mobile Registration App ilulunsad ng Comelec

Ilulunsad ng Commission on Elections (Comelec) ang mobile registration application na layong padaliin ang proseso ng pagpaparehistro.

Si Comelec Commissioner Marlon Casquejo ang mangunguna sa launching ng proyekto sa Tagum City, Davao Del Norte sa Martes, June 15.

Sinab ni Casquejo na malaking bagay ang pagkakaroon ng Mobile Registration App lalo ngayong limitado ang galaw ng publiko dahil sa pandemya ng COVID-19.

Gamit ang App, sasagutan online ang form at pagkatapos ay may ibibigay na QR Code.

Pagdating sa Comelec office ay ipapakita lamang ang QR Code para mai-scan.

Ang Mobile Registration App ay maaring mai-download gamit ang Android Smartphone.

Pwede rin itong i-share sa pamamagitan ng Shareit.

Ngayon Hunyo, available na ang App sa 500 lungsod at minisipalidad sa bansa kabilang ang sa NCR, Cebu City at Davao City.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *