Mga Pinoy sa Bahrain pinaalalahanan sa pagsali sa mga sugal at raffle

Mga Pinoy sa Bahrain pinaalalahanan sa pagsali sa mga sugal at raffle

Nagpaalala ang embahada ng Pilipinas sa Bahrain sa mga Filipino doon kaugnay sa pagsasagawa ng sugal at pa-raffle.

Ayon sa abiso ng embahada, mahigpit na ipinagbabawal ng pamahalaan ng Bahrain ang pagsusugal at pagpapa-raffle kasama na ang numbers game sa Facebooka t iba pang online website at apps.

Ayon sa Philippine Embassy sa Bahrain, ang mga ganitong aktibidad na itinuturing na mistulang pag-asa o pag-depende sa swerte ay hindi pinapayagan ng gobyerno ng nasabing bansa.

May karampatang parusa ang mga mahuhuling nagpapatakbo at lumalahok sa sugal at raffle sa ilalim ng Article 308 ng Bahrain Penal Code.

Ang mga mahuhuli ay maaring makulong ng tatlong buwan o magbayad ng 100 Bahrain Dinar.

Kung uulitin ang krimen at muling mahuhuli ay makukulong na ito ng hanggang isang taon o multang 500 Bahrain Dinar. (Dona Dominguez-Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *