Hepe ng CIDG Eastern Metro Manila District Field Unit sibibak sa pwesto ng PNP

Hepe ng CIDG Eastern Metro Manila District Field Unit sibibak sa pwesto ng PNP

Sinibak sa pwesto ang hepe ng CIDG Eastern Metro Manila District Field Unit.

Ito ay matapos ang pagkakamali sa pagsasama ng reklamo kaugnay sa insidente ng vaccine slot for sale sa Mandaluyong City.

Ayon sa pahayag ni PNP chief, P. Gen. Guillermo Eleazar, matapos ang masusing review, napatunayan ng PNP leagal team na hindi dapat kasama sa criminal complaint si Nina Ellaine Dizon-Cabrera.

Inatasan na ni Eleazar ang PNP CIDG na i-withdraw agad ang reklamo kay Cabrera sa Mandaluyong City Prosecutor’s Office.

Tuloy naman ang kaso laban kina Cyle Cedric Bonifacio at Melvin Gutierrez.

“Ang mali ay mali at hindi dapat pinaninindigan. Sa halip, ito ay itinatama upang hindi na maulit, at upang kapulutan din ng aral para maging maayos ang pagsisilbi sa taumbayan,” ayon kay Eleazar.

Agad ding iniutos ni Eleazar na masibak sa pwesto si Police LtCol Arnold Moleta bilang hepe ng CIDG Eastern Metro Manila District Field Unit dahil sa “lapse in judgment” at “command responsibility”.

Si Cabrera ang inalok ng slot para sa vaccination sa Mandaluyong at siya ring nagbunyag ng anomalya.

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *