Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa umabot sa mahigit 6,600; 196 pa ang pumanaw
Nakapagtala ng mahigit 6,600 pang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Biyernes, June 11 ay 1,300,349 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 6,686 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 1,216,497 ang gumaling o katumbas ng 93.6 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 3,190 na gumaling.
61,345 naman ang active cases o katumbas ng 4.7 percent.
22,507 na ang kabuuang death toll sa bansa o 1.73 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 196 pang pumanaw.