Pagbabakuna sa mga nasa industriya ng pelikula inumpisaha na
Inumpisahan na ng Metropolitan Manila Development Authority katuwang ang Movie Workers Welfare Foundation (MOWELFUND) ang pagbabakuna sa mga manggagawa ng movie industry.
Ayon aky MMDA at MMFF Concurrent Chairman Benhur Abalos, simula nang magkaroon ng pandemya ng COVID-19 mayroong 300,000 na katao mula sa local film industry ang direktang naapektuhan.
Kabilang dito ang mga producers, cinemas, theater employees, ticket sellers, at iba pa.
“With this vaccination, we have an extra layer of protection not only for us – but for our families and our co-workers and communities. It is an important step to help our lives return to normalcy,” ayon kay Abalos.
Ang mga nagtatrabaho sa Movie industry ay nasa ilalim ng economic frontliners at kasama sa A4 category.
Umaasa din ang MMDA na mapapayagan na ang pagbubukas ng mga sinehan basta’t masusunod ang minimum health standards.
Nagpasalamat naman ang MOWELFUND sa MMDA sa tulong nito upang makatanggap ng bakuna ang mga nasa industriya ng pelikula.
Ayon kay MOWELFUND president Rez Cortez, kung mababakunahan ang mga artista, mas madaling maka-aagapay sa new normal ang movie industry. (Dona Dominguez-Cargullo)