Burgos, Surigao del Norte niyanig ng magnitude 4.2 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Norte.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 43 kilometers northeast ng bayan ng Burgos alas 1:23 ng madaling araw ng Huwebes, June 11.
Ayon sa Phivolcs tectonic ang origin ng lindol at 9 kilometers ang lalim.
Naitala ang Intensity III sa Burgos, Santa Monica at San Benito, Surigao del Norte.
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks. (Dona Dominguez-Cargullo)