Mahigit 2 milyong doses ng Pfizer-Biontech COVID-19 vaccine dumating sa bansa
Halos 2.28 million doses ng Pfizer-Biontech COVID-19 vaccine ang dumating sa bansa Huwebes (June 10) ng gabi.
Ito ang ikalawang shipment mula sa American Pharmaceutical Giant, sa pamamagitan ng Covax Vaccine-sharing facility.
Dumating ang mga bakuna sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, alas 8:30 ng gabi.
Kalahati ng mga bakuna ay inilaan sa National Capital Region habang ang kalahati ay paghahatian ng Davao at Cebu.
Kabilang sa sumalubong sa COVID-19 vaccine ng Pfizer-Biontech ay si vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. at iba pang mga opisyal mula sa Department of Health. (Infinite Radio Calbayog)