Jose Abad Santos, Davao Occidental niyanig ng magnitude 5.1 na lindol
Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 68 kilometers Southeast ng Jose Abad Santos alas 10:42 ng umaga ng Miyerkules, June 10.
Ayon sa Phivolcs tectonic ang origin ng lindol at 61 kilometers ang lalim.
Naitala ang sumusunod na Intensities:
Intensity III- Malungon, Sarangani
Intensity II- General Santos City; Malita, Davao Occidental; Alabel and Kiamba, Sarangani
Intensity I- Tupi, South Cotabato
Sinabi ng Phivolcs na maaring makaranas ng aftershocks bunsod ng naturang pagyanig.