Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa umabot sa mahigit 5,400; 126 pa ang pumanaw
Nakapagtala ng mahigit 5,400 pang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Miyerkules, June 9 ay 1,286,217 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 5,462 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 1,210,027 ang gumaling o katumbas ng 91.1 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 7,854 na gumaling.
54,000 naman ang active cases o katumbas ng 4.2 percent.
22,190 na ang kabuuang death toll sa bansa o 1.73 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 126 pang pumanaw.