3 truck nahulihan ng hardwood lumbers sa Surigao del Norte

3 truck nahulihan ng hardwood lumbers sa Surigao del Norte

Tatlong malalaking wingvan trucks ang naharang nga mga otoridad sa Surigao de Norte.

Sa ulat ng Coast Guard Station Surigao del Norte, katuwang ang PPA, PNP MARIG at DENR nahuli ang mta truck at naaresto ang falawang katao dahil sa ilegal na pagbiyahe ng mga hardwood lumber na kilala sa lokal na tawag na “Magkuno”.

Ang mga truck ay nahuli sa Port of Lipata, Brgy. Lipata, Surigao City.

Sasakay sana ng MV Maria Felisa patungong San Ricardo, Southern Leyte ang mga truck.

Sa isinagawang inspeksyon, idineklara ng driver ng truck na sako-sakong palay ang lulan ng truck.

Pero nang tignan ito ng mga otoridad ay nakitang may laman itong hardwood lumbers na itinago lamang sa mga sako ng palay.

Agad hinuli ang driver dahil sa salang paglabag sa PD 705 o “Forestry Reform Code of the Philippines”.

Itinuro din ng naturang driver ang dalawa pang wingvan trucks at umaming may laman ding hardwood lumbers ang mga ito.

Tinatayang aabot sa P6 na milyon ang halaga ng mga nakumpiskang hardwood lumbers.

Nasa kostodiya ng DENR ang mga truck at kahoy habang ang driver at helper ay nasa PNP MARIG.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *