Mga sasakyan at iba pang gamit na itinatambak sa ilalim ng mga flyover sa EDSA pinaaalis ng MMDA

Mga sasakyan at iba pang gamit na itinatambak sa ilalim ng mga flyover sa EDSA pinaaalis ng MMDA

Pinatatanggal ni MMDA Chairman Benhur Abalos ang mga sagabal sa ilalim ng mga flyover sa EDSA.

Sa isinagawa kasing inspeksyon, nakita ni Abalos na ang mga ilalim ng flyover ay ginagawang tambakan ng mga sasakyang hindi na ginagamit.

Kabilang sa pinuntahan ni Abalos ay ang EDSA-Kamuning, Timog at Quezon Avenue.

Ayon kay Abalos, pinatatangal niya ang lahat ng kalat kabilang ang mga sasakyang ilegal na nakaparada sa lugar.

“Hindi puwedeng gamiting impounding ito. This is a national highway… kalye ito. Maski sino, bawal gumamit nito. We will coordinate with the proper authorities on this matter,” ani Abalos.

Maglalagay din ng no parking at tow away signages sa nasabing mga lugar.

Kasabay nito umapela si Abalos sa mga may-ari ng sasakyan na huwag gamitin ang ilalim ng flyovers bilang kanilang parking area.

Inatasan ni Abalos anng Metro Parkways Clearing Group (MPCG) at Road Emergency Group (REG) na alisin din ang mga MMDA equipment sa ilalim ng flyovers.

Tanging ang mga gamit para sa emergency purposes lamang aniya ang pwedeng manatili sa lugar.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *