Occidental Mindoro Gov. Eduardo Gadiano nagpositibo sa COVID-19
Nagpositibo sa COVID-19 si Occidental Mindoro Gov. Eduardo Gadiano.
Sa pahayag sinabi ni Gadiano na araw ng Lunes, June 7 lumabas ang resulta ng kaniyang RT-PCR test.
Ayon sa gobernador, nakaranas siya ng sintomas gaya ng ubo, panghihina ng katawan at lagnat simula noong Sabado kaya agad siyang nagpatingin at nag-isolate.
Ang lahat ng kaniyang mga kasama sa bahay ay naka-isolate na din at nakatakda na ding sumailalim sa swab test.
Pinayuhan naman ni Gadiano ang lahat ng nakasalamuha niya mula June 3 hanggang June 4 na sumunod sa health protocols at bantayan ang kanilang kondisyon.