Pamahalaan handang palawigin ang sakop ng edad ng COVID-19 vaccination gamit ang Sinovac

Pamahalaan handang palawigin ang sakop ng edad ng COVID-19 vaccination gamit ang Sinovac

Nakahanda ang Pilipinas sa posibilidad na mapalawig pa ang sakop na edad ng mga matuturukan ng COVID-19 vaccine gamit ang CoronaVac ng Sinovac.

Ito ay makaraang ianunsyo sa China na na ang CoronaVac ay mayroon nang emergency use para sa mga batang tatlong taong gulang pataas ang edad.

Sinabi ni Health Undersecretary at Spokesperson Ma. Rosario Vergeire, na “magandang balita” kung talagang makikita na ang pag-aaral na may “accuracy” at may sapat na basehan o ebidensya na mainam ang CoronaVac para sa mga kabataan.

Ayon kay kay Vergeire bukas ang pamahalaan sa makabago at “innovative” na pamamaraan para mapalawig ang pagbabakuna.

Sa sandali aniyang matapos na ang mga ebidensya o nakumpleto ang trial ng Sinovac para sa mga kabataan at magsumite sila sa Pilipinas ng revision ng kanilang EUA ay pag-aaralan itong mabuti ng mga eksperto.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *