Mga OFW na patungong Singapore hindi required na mayroong COVID-19 vaccine
Hindi kailangang bakunado ang mga Overseas Filipino workers (OFWs) na patungo ng Singapore.
Paglilinaw ito ng Department of Labor and Employment (DOLE) kasunod ng pagpapatupad ng mas mahigpit na quarantine protocols sa Singapore dahil sa tumataas muling kaso ng COVID-19.
Ayon kay Labor Attaché Saul De Vries, hindi kasama ang COVID-19 vaccine sa arrival protocols sa nasabing bansa.
Gayunnman, lahat ng dumarating sa Singapore ay kailangang sumailalim sa 21-day institutional quarantine at tatlong beses na RT-PCR test.
Ayon kay De Vries sinuspinde din muna ng pamahalaan ng Singapore ang entry approval applications para sa mga dayuhang manggagawa sa ngayon.
Ani De Vries ang mga migrant worker kasama na ang mga OFW ay kabilang sa vaccination program ng gobyerno ng Singapore.
Dahil dito hinihinakayat niya ang lahat ng OFWs doon na magpabakuna na.
Sa rekord ng DOLE, mayroong 200,000 na Filipinos sa Singapore, 180,000 dito ay pawang professionals, skilled workers, household service workers, healthcare workers, at mga nagtatrabaho sa service sector ng tourism at information technology industries.