IATF nagpalabas ng guidelines para sa mga fully vaccinated individual na darating sa bansa
Nagpalabas ng guidelines ang Inter Agency Task Force para sa inbound international travel sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang mga biyahero na fully vaccinated individuals na dito sa Pilipinas, ay dapat makapag-presenta ng kaniyang vaccination card sa Bureau of Quarantine representative pagdating dito sa bansa.
Maituturing na fully vaccinated ang isang indibidwal, dalawang linggo o higit pa matapos niyag matanggap ang second dose ng bakuna.
Lahat ng inbound fully vaccinated individuals ay required na sumailalim pa rin sa 7-day facility-based quarantine.
Sasailalim sila sa mahigpit na monitoring ng BOQ.
Kailangan ding magsagawa ng RT-PCR test kung makikitaan ng COVID-19 symptoms ang pasahero sa loob ng pitong araw nitong day quarantine.
Kapag nakumpleto na ng 7-day facility-based quarantine, magpapalabas naman ang BOQ ng Quarantine Certificate na nagsasaad ng vaccination status ng pasahero.
Ayon kay Roque inatasan ng IATF and DOH, DOF, DTI, DFA at NEDA na magpulong at magbigay ng rekomendasyon sa pagpapagaan pa ng testing at quarantine process sa iba pang mga pasaherong darating sa bansa. (Dona Dominguez-Cargullo)