DTI at DOH nakatanggap na ng 50 reklamo sa overpricing sa Remdesivir
Kinumpirma ng Department of Health (DOH) at ng Department of Trade and Industry (DTI) na umaabot na ng 50 ang reklamo na kanilang natanggap hinggil sa overpricing sa remdesivir na gamot kontra COVID-19.
Ayon kay Dr. Melissa Guerrero ng DOH, batay sa reklamo umaabot ng hanggang 30 thousand pesos ang kada vial ng Remdesivir gayung makukuha lamang ito sa India ng P2,000 hanggang P3,000.
Bagamat sinabi ni Dr Guerrero na may naparusahan na ang Food and Drug Administration hindi naman nito masabi kung may kinalaman ito sa presyuhan ng Remdesivir o iba pang investigation drug
Sa panig naman ng DTI, sinabi ni Usec. Ruth Castelo na inaalam muna nila kung saan galing ang supply ng gamot at magkano ang kuha dito para malaman kung may overpricing.