BREAKING: Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa umabot sa mahigit 5,000; 46 pa ang pumanaw
Nakapagtala ng mahigit 5,000 pang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Martes, June 1 ay 1,235,467 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 5,177 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 1,161,252 ang gumaling o katumbas ng 94 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 6,230 na gumaling.
53,203 naman ang active cases o katumbas ng 4.3 percent.
21,012 na ang kabuuang death toll sa bansa o 1.70 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 46 pang pumanaw.