Metro Bayanihan inilunsad ng MMDA; clean-up drive isinagawa sa Maynila

Metro Bayanihan inilunsad ng MMDA; clean-up drive isinagawa sa Maynila

Hinimok ng Metro Manila Development Authority o MMDA ang publiko na iwasang magtapon ng mga basura sa mga ilog, creek at iba pang daluyan ng tubig patungo sa Manila Bay.

Sa clean up drive na isinagawa ng MMDA sa Tripa de Galina, Arellano St., Vito Cruz, Manila, pinaalalahanan ni Engr Alexander Mohammad, ang district engineer ng MMDA Flood Control, ang publiko na tumulong sa paglilinis ng mga daluyan ng tubig.

Pinuna rin ng opisyal ang drainage system na para lamang aniya sa tubig baha ngunit ginagamit na ngayong bagsakan ng illegal water waste ng mga establishment at mga residente.

Partikular na pinansin ni Mohammad ang isang binuksang drainage hole sa Arellano St kung saan nakita ang tila namumuong mantika na aniya ay sebo at nagsisilbing bara sa labasan ng tubig patungo sa Manila Bay.

Iginiit ng opisyal na kailangang maging responsable ang bawat mamamayan sa pagtatapon ng mga basura, lalo na sa Metro Manila upang mapanatili ang kalinisan ng Manila Bay.

Samantala, alas-6 ng umaga sinimulan ng MMDA ang clean up drive sa Tripa de Galina na matatapos hanggang alas-12 ngayong tanghali.

Sa Tripa de Galina, nagsagawa ng 5-in one clean up kabilang dito ang pagtanggal ng putik sa ilog, mga nakalutang na basura, declogging ng mga drainage at pag-aayos ng mga nagkabuhul-buhol at nakalaylay na kable ng mga communication company.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *