Bagyong Dante napanatili ang lakas; signal number 1 nakataas sa ilang bahagi ng eastern at northern Samar
Napanatili ng Tropical Storm Dante ang lakas nito habang nananatili sa Philippine Sea.
Huling namataan ang bagyo sa layong 455 kilometers east northeast ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 90 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong northwest.
Itinaas ng PAGASA ang tropical cyclone wind signal number 1 sa sumusunod na mga lugar:
– eastern portion ng Northern Samar (Mapanas, Gamay, Lapinig, Palapag, Laoang)
– northeastern portion ng Eastern Samar (Arteche, San Policarpo)
Ngayong araw hanggang bukas, ang bagyo ay magdudulot ng mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Caraga, Davao Region, Eastern Visayas, Bukidnon, at Misamis Oriental.