BREAKING: Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa umabot sa mahigit 6,000; 107 pa ang pumanaw
Nakapagtala ng mahigit 6,000 pang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Lunes, May 31 ay 1,230,301 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 6,684 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 1,155,045 ang gumaling o katumbas ng 93.9 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 6,098 na gumaling.
54,290 naman ang active cases o katumbas ng 4.4 percent.
20,966 na ang kabuuang death toll sa bansa o 1.70 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 107 pang pumanaw.