109 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas
Nakapagtala ng 108 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
May naitala ding 97 pang gumaling sa sakit, habang wala namang nadagdag sa bilang ng mga pumanaw.
Sa datos mula sa Department of Health – Eastern Visayas umabot na sa 22,291 ang total number ng COVID-19 cases sa rehiyon.
Nasa 20,425 o 91.64% ang total recoveries, at 325 o 1.47% ang bilang ng mga pumanaw.
Sa ngayon ay nasa 1,541 o 6.90% ang aktibong kaso sa rehiyon.
Ang 108 bagong kaso na nadagdag at mula sa sumusunod na mga lalawigan at lungsod:
Leyte (78)
Tacloban City (22)
Eastern Samar (4)
Samar (3)
Biliran (1)