Rotational brownout ipinatupad na sa ilang bahagi ng Luzon dahil sa kapos na suplay ng kuryente

Rotational brownout ipinatupad na sa ilang bahagi ng Luzon dahil sa kapos na suplay ng kuryente

Kasabay ng pag-iral ng Red Alert sa Luzon Grid, ilang bahagi na ng Metro Manila at mga lalawigan sa Luzon ang apektado ng rotational brownout.

Ayon sa Department of Energy, apektado ng rotational browounts ang Isabela, Quirino, Olongapo City, Quezon, Camarines Sur.

Ang Meralco naman nagsabi na rin na maaapektuhan ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Sa inilabas na listahan ng Meralco, sa pagutan ng ala 1:00 hanggang alas 2:00 ng hapon nagpatupad ng rotational brownout sa sumusunod na mga bayana t lungsod sa Bulacan:

– Baliuag
– Bocaue
– Calumpit
– Hagonoy
– Malolos
– Marilao
– Meycauayan
– Paombong
– Plaridel
– Pulilan

Sa update mula sa Meralco, may rotational brownout na din sa ilang bahagi ng Quezon City, Valenzuela, Manila, Marikina, Muntinlupa, Taguig, Pasig at Caloocan, gayundin sa Cavite, Laguna, Rizal at Quezon.

Si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian nagpaabiso na sa mga residente na maaapektuhan ang mga vaccination sites nila na mawawalan ng suplay ng kuryente.

Ani Gatchalian, dahil sa brownout, magiging mano-mano ang registration kaya babagal ang proseso.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *