June 11 idineklarang holiday ng Malakanyang sa lalawigan ng Rizal

June 11 idineklarang holiday ng Malakanyang sa lalawigan ng Rizal

May aabangang long weekend ang mga taga lalawigan ng Rizal.

Idineklara kasi ng Malakanyang sa bisa ng Proclamation No. 1150 ang June, 11, 2021 bilang special non working day sa buong Rizal.

Ang nasabing petsa ay natapat ng araw ng Biyernes.

Ito ay bilang paggunita sa ika-120 Founding Anniversary ng lalawigan.

Nakasaad sa proklamasyon na ang mga aktibidadpara sa nasabing pagdiriwang ay dapat makasunod sa umiiral na community quarantine, social distancing at iba pang public health measures.

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *