Bagyong Dante lumakas pa; posibleng umabot sa severe tropical storm category ayon sa PAGASA

Bagyong Dante lumakas pa; posibleng umabot sa severe tropical storm category ayon sa PAGASA

Bahagya pang lumakas ang Tropical Storm Dante habang nasa bahagi ng Philippine Sea.

Huling namataan ang bagyo sa layong 515 kilometers northeast ng Davao City.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 90 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong northwest.

Ngayong araw, ang bagyo ay magdudulot ng mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Caraga at Davao Region, SOCCSKSARGEN, Bukidnon, at Misamis Oriental.

Maari ding lumakas pa ang bagyo at umabot sa severe tropical storm category sa Miyerkules ng umaga.

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *