50,000 doses ng Sputnik V vaccines galing Russia dumating sa bansa
Dumating sa Pilipinas ang panibagong 50,000 doses ng Sputnik V vaccines mula sa Gamaleya Research Institute ng Russia.
Ang mga bakuna kontra COVID-19 ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 lulan ng Qatar Airways Flight QR928.
Agad dinala ang mga bakuna sa PharmaServ Warehouse sa Marikina City.
Ayon sa National Task Force Against COVID-19 ang mga bagong dating nabakuna ay dadalhin sa mga lugar kung saan may pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Dahil sa panibagong doses ng Sputnik V vaccines, umabot na sa 80,000 Sputnik V doses ang natanggap ng Pilipinas.
Noong May 1 at May 12 ay mayroong dumating tig- 15,000.