BREAKING: Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa muling pumalo sa mahigit 7,000; 139 pa ang pumanaw
Nakapagtala ng mahigit 7,000 pang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Linggo, May 30 ay 1,223,627 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 7,058 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 1,149,010 ang gumaling o katumbas ng 93.9 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 6,852 na gumaling.
53,757 naman ang active cases o katumbas ng 4.4 percent.
20,860 na ang kabuuang death toll sa bansa o 1.70 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 139 pang pumanaw.