Bagyong Dante lumakas pa habang nananatili sa Philippine Sea

Bagyong Dante lumakas pa habang nananatili sa Philippine Sea

Lumakas pa ang tropical depression Dante habang ito ay nananatili sa silangagn bahagi ng Mindanao.

Ang bagyo ay huling namataan sa layong 820 kilometers East ng Mindanao.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers bawat oras .

Kumikilos ang bagyo sa bili sna 25 kilometers bawat oras sa direksyong pa-Kanluran.

Ayon sa PAGASA, sa susunod na 24 na oras, ang outer rainbands ng bagyo ay magdudulot ng mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Caraga at Davao Region.

Posible ring lumakas pa ang bagyo at umabot sa tropical storm category.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *