Deployment ng mga OFW sa Saudi Arabia sinuspinde ng DOLE

Deployment ng mga OFW sa Saudi Arabia sinuspinde ng DOLE

Nagpatupad ng temporary suspension ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga OFW patungong Saudi Arabia.

Sa inilabas na memorandum ni Labor Sec. Silvestre Bello III, inatasan si POEA Administrator Bernard Olalia na magpatupad ng temporary suspension sa deployment ng OFWs sa KSA.

Nakasaad sa memorandum na may mga ulat na ang mga OFW ay inoobliga ng kanilang employers at foreign recruitment agencies na bayaran ang halaga ng gastusin para sa health and safety protocol sa COVID-19.

Sinabi ni Bello na maglalabas ang ahensya ng panibagong pahayag kung kailan muli papayagan ang deployment ng mga OFW patungong Saudi Arabia.

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *