Lalawigan ng Maguindanao hahatiin na sa dalawa

Lalawigan ng Maguindanao hahatiin na sa dalawa

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang ganap na batas ang panukalang maghahati sa Maguindanao sa dalawang probinsya.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang paglagda ay isinagawa sa pulong tungkol sa transition ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Sa ilalim ng bagong batas lilikhain ang bagong Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur.

Ang naturang panukalang batas ay inaprubahan ng senado noong Marso.

Sa ilalim ng bagong batas, ang Maguindanao del Norte ay bubuuin ng sumusunod na mga bayan:

– Barira
– Buldon
– Datu Blah Sinsuat
– Datu Odin Sinsuat
– Kabuntalan
– Matanog
– Northern Kabuntalan
– Parang
– North Upi
– Sultan Kudarat
– Sultan Mastura
– Talitay

Ang Maguindanao del Sur naman ay bubuuin ng sumusunod na mga bayan:

– Ampatuan
– Buluan
– Datu Abdulla Sangki
– Datu Anggal Midtimbang
– Datu Hoffer Ampatuan
– Datu Montawal
– Datu Paglas
– Datu Piang
– Datu Salibo
– Datu Saudi Ampatuan
– Datu Unsay
– Gen. Salipada K. Pendatun
– Guindulungan
– Mamasapano
– Mangudadatu
– Pagalungan
– Paglat
– Pandag
– Rajah Buayan
– Sharif Aguak
– Sharif Saydona Mustafa
– Sultan sa Barongis
– Talayan
– South Upi

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *